^

Probinsiya

Sanggol binoga ng kaaway ng ama

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Agaw-buhay ngayon ang 6-buwang gulang na sanggol na babae matapos na tamaan ng bala ng baril ang duyan nito na nakaaway ng kaniyang ama sa Purok Bayabas, Barangay Ali Alsree sa bayan ng  Remedios Lim, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng gabi. Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamatayan sa Ipil Municipal Hospital ang biktimang si Rizel Pretila, nagtamo ng tama ng bala sa katawan. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, mahimbing na natutulog sa kuna ang sanggol nang tamaan ng ligaw na bala para sa ama nito matapos ang sunud-aunod na putok. Nakaligtas naman ang ama na si Roberto Pretila na nagtatakbo sa kusina upang magkubli habang pinapuputukan ng kaaway. Nagsisigaw naman ang ina ng sanggol nang makitang may umaagos na dugo mula sa kuna ng sanggol kung saan mabilis na isinugod sa pagamutan.

 

vuukle comment

AGAW

BARANGAY ALI ALSREE

CAMP CRAME

IPIL MUNICIPAL HOSPITAL

KASALUKUYANG

PUROK BAYABAS

REMEDIOS LIM

RIZEL PRETILA

ROBERTO PRETILA

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with