MANILA, Philippines - Dalawang notoryus na drug pusher ang napaslang matapos manlaban sa arresting team ng pulisya habang tatlong iba pa ang nasugatan sa naganap na buy-bust operation sa Barangay Centro Agdao, Davao City, Davao kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni Davao City PNP Director P/Senior Supt. Roland de la Rosa ang mga napatay na sina Edidilao Busuan alyas Aki/Bapa, 35, tubong Lumba Bayabao, Lanao del Sur; at Juvil Maniri, 15, na nagtangkang hagisan ng granada ang mga pulis.
Isinugod naman sa ospital ang sugatang si PO1 Mark Anthony Cameros na tinamaan sa kaliwang braso matapos barilin ni Busuan nang matuÂnugang pulis ang kaniyang ka-deal sa bentahan ng bawal na droga.
Arestado naman ang tatlo pang suspek na nagtangkang tumakas na sina Nadia Maniri, Jalil Maniri, at si Babyboy Maniri na pawang dinala sa Southern Philippines Medical Center sa tinamong mga paso sa katawan nang silaban ng mga ito ang kanilang hideout.
Bandang alas-12:40 ng madaling-araw nang isagawa ang buy-bust operation kung saan matapos na mabaril ang poseur buyer na si PO1 CaÂmeros ay sumigaw pa si Busuan ng “Allah Huakbar,†battle cry ng mga Muslim na hindi pahuhuli ng buhay.
Kasunod nito ay binarikadahan si Busuan ng mga kasamahan nito sa illegal na pagbebenta ng droga at ginirian ang papalapit na mga operatiba ng pulisya kung saan nagkaroon ng 20-minutong negosasyon sa pamumuno ni P/Supt. Cezar Cabuhat para sa pagsuko ng mga suspek.
Gayon pa man, tinangkang tanggalan ng safety pin ang granadang hawak ni Juvil kaya binaril at napatay ito ng isa sa mga pulis habang sinunog naman ng ilang suspek ang stocks ng shabu.
Narekober naman sa lugar ang nalalabi pang bahagyang nasunog na plastic ng shabu na aabot sa P320,000.
Nasamsam sa mga naaresÂtong suspek ang cal .45 pistol, granda at mga drug paraphernalias.