64-anyos lolo todas sa dinamita

TUGUEGARAO CITY, Philippines- Patay ang isang 64-anyos na mangingisda matapos na aksidenteng masabugan sa isa sa mga inaayos niyang dinamita na gagamitin sa pangingisda sa Brgy. Puro, Masingal, Ilocos sur kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rufino Tiqui na nagtamo ng matinding pinsala sa buong katawan at kanang kamay mula sa sumabog na dinamita.

Ayon sa anak ng biktima na si Loreno, habang inaayos ang mga gamit sa pangi­ngisda ng ama sa kanyang bangka bago pumalaot nang sumabog ang dinamitang hawak nito.

Nagawa pang maisugod ng anak ang ama si Gabriela Silang General Hospital subalit nalagutan na ito ng hininga habang ginagamot.

Show comments