Taal volcano nag-alboroto, 15 volcanic quakes, naitala

MANILA, Philippines - Muli na namang nag- alboroto ang Bulkang Taal sa Batangas.

Ito ay makaraang makapagtala ng 15 volcanic quakes­ ang naturang bulkan  sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) , nagkaroon din ng bahagyang pagtaas ng antas ng tubig sa crater ng bulkan .

Bunga nito, patuloy na binubusisi ng Phivolcs ang ground deformation sa isang bahagi ng bulkan para malaman kung may volcanic activity dito.

Kabilang sa mga binabantayang lugar sa paligid ng bulkang Taal ay ang barangay Calauit, Alas-as,Pira-piraso at Daang kastila na malapit sa bunganga ng bulkan.

Patuloy namang ipinagbabawal ng Phivolcs ang paglapit ng sinuman sa loob ng 6 kilometer danger zone sa paligid ng bulkan para maiwasan na maapektuhan sa anumang peligro dulot ng pag aalboroto ng naturang bulkan.

Show comments