MANILA, Philippines - Magkakasunod na sinalubong ni kamatayan ang tatlong kawani ng farm makaraang malunod sa malalim na balon sa Barangay San Macario Norte, bayan ng Natividad, Pangasinan kamakalawa. Kabilang sa mga nasawi ay sina Noli Boy Rillota, 30; Arman Mejia, at si Crisanto Pamparo na sinasabing mga kawani ng Lucky 888 Farm sa nasabing bayan. Sa ulat ni P/Chief Insp. Ryan Manongdo na nakarating sa Camp Crame, nabatid na isa sa mga biktima ang lumusong sa malalim na balon sa pinapasukang farm upang linisin nang bigla itong magkakawag dahil sa kakulangan ng hangin kaya sinaklolohan ng dalawa pero maging sila ay nasawi.