6-anyos ni-rape slay ng adik

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Naglahong parang bula sa tubig ang pangarap ng  mga magulang ng 6-anyos na nene matapos itong halayin at pinatay pa sa sakal ng kanilang kapitbahay na adik sa bawal na droga kamaka­lawa ng gabi sa Barangay Centro 3, bayan ng Claveria, Cagayan.

Ayon kay P/Chief Insp. Rene Estavillo, hepe ng Cla­veria PNP, adik sa droga at hayop lang ang makakagawa ng brutal na paglapastangan sa batang babae na duguan pa ang maselang bahagi ng katawan at iniwang hubu’t hubad sa kama. 


Pansamantalang hindi muna isiniwalat ang pagkakakilanlan ng suspek habang tinutugis ng mga operatiba ng pulisya sa kalapit bayan matapos itong tumakas mula sa bayan ng Claveria.

Nabatid na nadiskubre ang brutal na pamamaslang kinaumagahan kung saan gigisingin sana ng kanyang ina ang biktima para pumasok sa eskwelahan subalit tumambad sa ang kahindik-hindik na sinapit ng anak.


Napag-alamang dumaan sa bubungan ng bahay ang suspek kaya naisagawa ang krimen.

Kasalukuyang pauwi na ang ama ng biktima mula sa Saudi Arabia matapos mabatid ang sinapit ng kanyang anak.

Show comments