Ama inutas sa harap ng anak

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinatay sa harap ng kanyang anak ang 37-anyos na ama matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem­ gunmen sa kahabaan ng highway sa Brgy. San Ra­mon, bayan ng Masi­ngal, Ilocos Sur kamakalawa.
 Nabatid na nagmamaneho ng traysikel ang biktimang si Marcelino Omoquit “Bon” Ollero nang biglang mag-overtake at ratratin ng gunmen. Napuruhan sa ulo ang biktima habang nagimbal naman at natulala ang kanyang anak na bata  matapos masaksihan ang pamamaslang sa kanyang ama.

 

Show comments