Misis dinedo ng mister

CAVITE, Philippines – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang 32-anyos na misis ng sariling mister na sinasabing lango sa bawal na droga sa loob ng kanilang bahay kahapon ng umaga sa Barangay Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite. Naisugod pa sa UMC Hospital na nagtamo ng 40-saksak subalit namatay din ang biktimang si Anna Maria Reyes habang arestado naman ang suspek na si Sonny Reyes, 34, kapwa nakatira sa # 329 Sitio Pintong Gubat sa nasa­bing barangay. Lumilitaw na nauwi sa pamamaslang ang matinding away ng mag-asawa kaugnay sa matinding selos ng suspek.

 

Show comments