Magsasaka inutas sa palayan

CAVITE, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 29-anyos na magsasaka ng mga di-kilalang kalalakihan habang iito ay nagbubungkal ng lupa sa gitna ng palayan sa Barangay Burol 3, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng hapon. Sa ulat ni PO3 Aaron Abesamis, nagbubungkal ng lupa ang biktimang si Ernani Dilla nang lapitan at pagbabarilin ng apat na armadong lalaki. Sumaklolo naman ang ama na si Ireneo subalit pinagbabaril din ito pero di-tinamaan at nakatakas ang gunmen.

 

Show comments