Chairman, 10-anyos bata tinodas

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang barangay chairman at ang 10-anyos na batang lalaki habang isa pa ang grabeng nasugatan makaraang pagbabarilin ng hindi pa kilalang gunman sa bisinidad ng Sitio Suyugan, Barangay Limpana sa Zamboanga City kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga nasawi na sina Chairman Allimudin Quillah ng Barangay Cusipan sa bayan ng Sibuco, Zamboanga del Norte at Jay Ann Ismael, 10. Ginagamot naman sa  Zamboanga City Medical Center ang sugatang si Tottoh Ismael, 26. Sa ulat ni Zamboanga City PNP Director P/Senior Supt. Edwin de Ocampo na nakarating sa Camp Crame, nakatayo ang mga biktima nang lapitan at ratratin gunmen.

Show comments