NORTH COTABATO, Philippines - Napatay ang beteranong pulis na magsisilbi sana ng search warrant matapos pagbabarilin ng mag-ama sa Barangay Greenhills, bayan ng President Roxas sa North Cotabato kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang biktima na si SPO2 Eldorado Dolloso ng President Roxas PNP.
Ayon kay P/Senior Insp. Marlou Dolar, hepe ng President Roxas PNP, nanlaban ang pamilya Pepito ng papalapit ang pangkat ng pulis sa kanilang bahay para magsilbi ng search warrant na ÂiniÂsyu ni Judge Arvin Sadiri Balagot.
Imbes na patuluyin sa bahay para magsagawa ng search ang mga pulis ay pinagbabaril ito ng mag-amang suspek na sina Willie Sagucom Pepito at anak nitong si Kokoy.
Nasapol naman sa ulo si SPO2 Dolloso kung saan naisugod sa Antipas Medical Special Hospital pero namatay habang ginagamot.
Ayon sa police report, ang pamilya Pepito ay inaÂkusahan ng paglabag sa Presidential Decree 1866 as amended by Republic Act 8294 o pagdadala ng baril na walang lisensiya.