Mag-utol lunod sa ilog

MAGUINDANAO, Philippines – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa magkapatid na bata makaraang lamunin ng tubig-baha sa Pulangi River sa Barangay Damalasak sa bayan ng Pagalungan, Maguindanao kamakalawa ng hapon. Sa ulat ni Maguindanao PNP director P/Senior Supt. Rodelio Jocson, kinilala ang mga biktima na sina Nor Halim Sumangka, 7; at Arzalin, 5, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Napag-alamang naglalaro ang mag-utol sa likuran ng kanilang bahay nang aksidenteng mahulog sa gilid ng Pulangi River. Nilamon ng malakas na tubig-baha ang magkapatid at hindi na nagawang mailigtas pa ang ilang residente. Natagpuan ang katawan ng mga biktima matapos lumulutang sa ilog.

Show comments