Ambush: Misis utas, mister grabe

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Napaslang ang 35-anyos na misis habang sugatan naman ang mister nitong Kano matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa naganap na pananambang sa bahagi ng Barangay 38 Mangato sa Laoag City, Ilocos Norte kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Carla Jukylani Machado habang sugatan naman si Aeron Machado na kapwa US citizen mula sa Hawaii at nakatira sa Barangay Sta. Rosa.

Nakaligtas naman sa ambush ang 11-anyos na anak ng mag-asawa na Grade V sa Northwestern University.

Sa ulat ni P/Supt. Jeffrey Gorospe, spokesman ng Ilocos Norte PNP, naganap ang pamamaril habang lulan ang pamilya Machado ng kanilang kotse na bumabagtas sa kahabaan ng highway sa nabanggit na barangay. 

Nabatid na ang pamilya Machado ay may pitong taon ng naninirahan sa Laoag City na may negosyong beauty parlor.

Show comments