QUEZON, Philippines – Nagpasalubong kay kamatayan ang 33-anyos na desperadong bading matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay Sadsaran, bayan ng Mauban, Quezon kamakalawa ng gabi. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na lango sa alak ang biktimang si Robert Yap na umuwi mula sa pinapasukang beauty parlor kung saan nagsisigaw ito sa matinding problema sa buhay na sinasabing kinalasan ng kanyang nobyo. Gayon pa man, kinabukasan ay nabungaran na lamang ng kanyang mga kaanak ang biktima na nakabitin sa kisame ng kanilang bahay.