2 sinalpok ng motorsiklo, dedo

CAVITE, Philippines – Magkasunod na nasawi ang dalawang sibilyan habang  habang isa naman ang malubhang nasugatan matapos salpukin ng motorsiklo sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay Panapaan, Bacoor City, Cavite kamakalawa ng gabi. Naisugod pa sa St. Dominic Hospital subalit idineklarang patay sina Ezra Jeniah Sayson, 6, ng Lessandra 2 Subd. sa Barangay Salinas 1, Bacoor City; at Jerramae Ygot ng Tayuman, Manila habang kritikal naman si Cherry Anne Garces ng Lessandra 2 Subd., Brgy Salinas 1. Samantala, arestado naman ang driver ng motorsiklo na si Eugene Garcia, 25, ng BF Homes sa Parañaque City. Sa ulat ni PO3 Jonvic Marquez, magkakasabay na tumatawid ang mga biktima nang salpukin ng motorsiklo (8424 UX) ni Garcia.

Show comments