Magsasaka dinedo dahil sa lupa

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Alitan sa lupaing pinag-aagawan ang isa sa motibo kaya napatay ang 38-anyos na konsehal ng barangay matapos itong tagain ng kanyang kapitbahay sa Barangay Salindingan, Ilagan City, Isabela kamakalawa.
 Kinilala ni P/Supt. Narciso Paragas, tagapagsalita ng Isabela PNP ang biktima na si Kagawad Frederick Aggarao habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Gilbert Diarios, 28, kapwa magsasaka.
 Lumalabas sa imbestigasyon, inabangan ng suspek ang biktimang nagla­lakad mula sa kanyang sakahan bago tinaga ng matalim na panabas ang ulo ng nakaalitan. Halos mabiyak ang ulo ng biktima kung saan naisugod pa sa ospital subalit namatay din.

 

Show comments