Holdap: P.77-M payroll tangay

QUEZON , Philippines  -  Dalawang kawani ng pribadong company ang iniulat na nasugatan makaraang holdapin at barilin ng riding-in-tandem gunmen kamakalawa ng umaga sa Barangay Bigo sa bayan ng Pagbilao, Quezon. Naisugod sa Jane County Hospital sina Alex Concha, 40; at Christine Merjudio, 55, kapwa kawani ng Far East Hotel and Management Consultancy. Ayon sa ulat ng pulisya, lulan ng L300 van (UDN-679) sina Concha at Merjudio kasama ang kanilang hepe ng accounting department na si Reina Lustado nang harangin at ratratin ng tandem pagsapit sa nasabing barangay. Hindi na umabot ng kanilang opisina ang dalawa na magdadala sana ng P.770 milyong payroll na winidraw mula sa department store sa Lucena City matapos tangayin ng tandem ang malaking halaga. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

Show comments