^

Probinsiya

PMAyer na Batangueño pasok sa West Point

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

FORD DEL PILAR, Baguio City, Philippines – Isang kadeteng Batangueño ng Philippine Military Academy ang nakapasa sa prestihiysong US Military Academy sa West Point, New York.

Si Cadet Don Stanley Castillo Dalisay, ayon kay PMA Spokesperson Captain Lynnette Floresay ikinararangal nilang ipadala sa service academies ng US para makasali sa Class 2017 matapos itong pumasa sa pagsusulit.

Nabatid na simula pa lamang elementarya at high school ay palaging valedictorian si Dalisay na nagtapos na ng kursong Bachelor’s in Public Health sa University of the Philippines (Manila) bago ito pumasok sa PMA.

Samantalang habang nasa PMA ay nagpakitang gilas rin si Cadet Dalisay lalo na sa debate at public speaking at binansagang “Best Debater at Best Speaker “ ng premyadong institusyon ng militar.

Sa tala, sa taong ito ay tatlong PMA cadets ang nagsipagtapos sa service academies sa US na kinabibilangan nina Cadet Theodore Carl Quijano sa United United States Air Force Academy (USAFA), Cadet Chinna Louisse Salio sa United States Naval Academy (USNA) at Cadet Floren Herrrera mula naman sa West Point. ­

 

BEST DEBATER

BEST SPEAKER

CADET CHINNA LOUISSE SALIO

CADET DALISAY

CADET FLOREN HERRRERA

CADET THEODORE CARL QUIJANO

MILITARY ACADEMY

NEW YORK

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

PUBLIC HEALTH

WEST POINT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with