Misis tinodas ng adik

QUEZON, Philippines – Napaslang ang 19-anyos na misis na tatlong buwang buntis habang nawawala naman ang kanyang anak na totoy matapos mapagtripan paluin ng di-kilalang lalaki na sinasabing sabog sa droga sa Sitio Lacdayan, Barangay Cawayan 1 sa bayan ng San Francisco, Quezon kamakalawa ng umaga. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jessa Velasco, habang patuloy pang hinahanap ang nawawala nitong anak na si Rexon, 1. Lumilitaw na iniwan ni Rex Casano ang kanyang mag-ina upang magtrabaho sa kabilang bayan at nang bumalik kinagabihan ay hindi niya nakita ang asawa’t anak. Sa paghahanap ay natagpuan ni Rex ang bangkay ng kanyang misis na may malaki ang sugat sa mukha kung saan may 50 metro ang layo sa kanilang bahay.

Show comments