Kinalasan ng nobya, nagbigti

CAVITE, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 41-anyos na lalaki na kinalasan ng kanyang nobya matapos itong magbigti sa bakanteng lote kahapon ng umaga sa Barangay Toclong, bayan ng Kawit, Cavite. Bandang alas-11 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Rodolfo Mateo sa nasabing lugar. Ayon kay PO2 John Paolo Mellona, huling namataang buhay ang biktima na nakikipagtalo sa kanyang nobyang si Anna Soriano ng Barangay Jaena, Cavite City. Narekobder ng pulisya ang suicide note sa bulsa ng pantalon ng biktima.

 

Show comments