2 utas, 5 grabe sa hit-and-run

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang limang iba pa ang malubhang nasugatan makaraang araruhin ng sasakyan ang tatlong motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Brgy. Pengue Ruyu, Tuguegarao City, Cagayan kamakalawa ng madaling-araw. Kinilala ni P/Chief Insp. Eric Gumarang, hepe ng pulisya ang mga nasawi na sina Reymar Agbisit, sekyu; at Jomer Fiesta, salesboy, kapwa nakatira sa Brgy. Maraburab, bayan ng Alcala. Sugatan naman sina Samson Bisquera, 34, ng Brgy. Centro; Efren Martines, 21, ng Gattaran; Lancel Sumauang, 18, ng  Lal-lo; Elimar Ruiz, 23, ng Brgy. Manalo, Amulung, Cagayan; at si Tomas Cabasag, 20, ng Brgy. Bolinao, Sto. Tomas, Isabela. Ayon sa ulat, nakasakay sa tatlong motorsiklo ang mga biktima nang tumbukin ng isang uri ng sasakyang hindi natukoy dahil sa kadiliman ng paligid ng highway.

Show comments