Suicide ipina-web cam sa laptop

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Sa labis na panibugho sa away mag-asawa, nagdesisyon ang 29-anyos na mister na magbigti kung saan ipina-web cam pa sa laptop ang pagpapakamatay sa Barangay Centro, Tuguegarao City kamakalawa. Nabatid sa kasambahay ang pananamlay ng biktimang si Elton Lejos matapos makipag-away sa kanyang misis na nasa Dubai dahil sa matinding selos.
 Ayon kay PO3 Dennis Calucag, nadiskubre ng kasambahay ni Lejos ang pagpapatiwakal nito sa loob ng kuwarto matapos magpadala ng mensahe ang misis nito sa social site network ng katulong.
 Nadatnan pang naka-focus sa web camera ng laptop ni Lejos ang pagpapakamatay nito.

Show comments