CAVITE , Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 24-anyos na dalagang factory worker makaraang halayin ay binigti na sa liblib na bakanteng lote sa Barangay Mulawin, bayan ng Tanza, Cavite kamakalawa ng hapon. Bandang alas-2:30 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ni Rizza Gregorio na walang saplot sa buong katawan. May palatandaang nanlaban ang biktimang binigti ng di-kilalang lalaki na pinaniniwalaang adik sa bawal na droga. Base sa ulat, huÂling namataang buhay ang biktima noong Biyernes ng gabi sa pinapasukang pabrika sa bayan ng Rosario kung saan hindi na nakauwi. Narekober ng pulisya ang mga damit ng biktima sa tabi ng bangkay nito.