Bike vs SUV: OFW umuwi sa kasal ng anak, patay

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Bumigay na rin kay kamatayan ang 37-anyos na overseas Filipina worker (OFW) mula Lebanon  na umuwi upang saksihan sana ang kasal ng kanyang panganay na anak kahapon sa Barangay Pattat, bayan ng Angadanan, Isabela. Si Rosemarie Tallod ay pinakahuling nasawi habang naunang namatay ang kanyang mag-amang sina Nick  Tallod, 37; at Romnick, 6, matapos salpukin ng Isuzu Altera ang kanilang  motorsiklo noong Miyerkules sa junction ng Barangay Soyung sa katabing bayan ng Echague. Samantala, naaresto ng pulisya ang driver ng SUV na si Roden Villanueva. Nabatid na naganap ang trahedya matapos magsalpukan ang dalawang sasakyan pagsapit sa merging traffic ng kalsada sa nasabing barangay.

 

Show comments