Mister inutas sa harap ng pamilya

BULACAN, Philippines – Napaslang ang 52-anyos na mister matapos ratratin ng mga di-kilalang kalalakihan sa harap mismo ng kanyang pamilya sa Barangay Bubuling Malaki sa bayan ng San Ildeponso, Bulacan Kahapon. Base sa ulat ng pulis­ya, nakaupo sa bakuran ng kanilang bahay ang biktimang  si Gilberto Ramos kasama ang mag-inang Lourdes Ramos at Eibert Ramos nang lapitan at pagbabarilin.  Nasindak ang mag-ina ng biktima kasama ang pamangking si Mark Anthony Parin matapos masaksihan ang pamamaslang habang tumakas naman ang gunmen lulan ng Toyota Innova na walang plaka.  Narekobrer ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operations (SOCO) ang dalawang basyo ng cal. 45 pistol .45 at dalawampung basyo ng M-16 Armalite rifle habang patuloy naman imbestigasyon.

Show comments