Nene nahulog sa balon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang isang 3 taong gulang na batang babae matapos na ito ay mahulog sa balon sa Brgy. Balading, Malinao, Albay. Kinilala ang biktima na si Hazel Joy Roncesvalles, residente sa lugar na nabigo ng maisalba ang buhay sa Rural Health Unit. Batay sa ulat, dakong alas-4 ng hapon ng ang bata ay biglang mawala na huling nakitang naglalaro at makalipas ang ilang sandali ay nagsisigaw ang kapitbahay ng pamilya nito na nahulog ang biktima sa balon. Hindi umano napansin ng ama ng bata na naglakad ang anak patungo sa balon, Naiahon naman ang bangkay ng biktima sa balon sa tulong na rin ng mga kapitbahay ng pamilya nito.

Show comments