LEGAZPI CITY, Philippines - Binistay ng bala ang isang empleyado ng Local Government Unit (LGU) ng 14 mga armadong kalalakihan na hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Calabad, Dimasalang, Masbate kamakalawa. Kinilala ni Sr. Supt. Heriberto Olitiquit , Provincial Police Office (PPO) Director ng Masbate ang nasawing biktima na si Romar Afable, 32 anyos, casual employee ng munisipyo ng Dimasalang. Ang biktima ay dead-on-the-spot sa insiÂdente matapos itong matadtad ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.Sa imbestigasyon, sinabi ng opisyal na dakong alas- 6 ng umaga ng magtungo ang mga rebelde sa tahanan ng biktima sa nasabing lugar saka ratratin ito gamit ang cal 9 MM. Iniimbestigahan pa ang motibo ng krimen.