Remittance center hinoldap

TUGUEGARAO CITY , Philippines   - Sinamantala ang ma­lawakang brownout ng mga armadong kalalakihan matapos holdapin ang lokal na sangay ng LBC Express sa Laoag City, Ilocos Norte kamakalawa.
 Ayon kay LBC Branch Manager Ruben Ramos, nagpanggap na kliyente ang tatlong armadong lalaki bago nagdeklara ng holdap kung saan nilimas ang kaha na naglalaman ng P.2 milyon.
 Matapos palabasin ang mga kawani at kliyente ng nasabing remittance center sa likurang pintuan ay  kaswal naman naglakad palabas ang mga holdaper sa harapan na pintuan na parang walang naganap na insidente.

Show comments