CAVITE , Philippines - Tatlong magkakaibigan ang sinasabing napagtripang pagbabarilin ng mga di-kilalang armadong kalalakihan sa kahabaan ng open-canal sa bayan ng General Trias, Cavite kahapon ng umaga. Naisugod sa San Juan De Dios Hospital ang mga biktimang sina Nicholas Lontac, 53; Eduardo Blanquesa, 49; at si Dante Olikina, 44. Ayon kay PO3 Brendo Llanda, magkakaangkas ang mga biktima sa motorsiklo nang harangin at ratratin ng tatlong armadong lalaki pagsapit sa nasabing lugar. Narekober sa crime scene ang siyam na basyo ng baril .