Mister nagbaraha, inutas

MANILA, Philippines - Binaril at napaslang habang naglalaro ng pusoy sa baraha ang isang 57 anyos na mister sa loob ng tahanan ng kaibigan sa Brgy. Cagbaoto,  Bayabas, Surigao del Sur kamakalawa.

 Kinilala ang nasawing biktima na si Ed William Ursales, nagtamo ng tama ng bala sa mukha at noo; idineklarang dead-on-arrival sa Adela Serra Ty Memorial Medical Center sa Tandag City. 

Ayon kay Supt. Martin Gamba, Spokesman ng CARAGA Police, bandang alas-5 ng hapon ng  mangyari ang insidente sa naturang lugar.

 Sa imbestigasyon, kasalukuyang nagpupusoy ang biktima sa tahanan ni Wilfredo Pajuta kasama ang isa pa nitong kaibigan na si Wilfredo Moreno nang bigla na lamang pumasok ang salarin na armado ng shotgun.

 Agad na binaril ng salarin ang biktima sa mukha at ulo saka nagmamadaling tumakas sa crime scene lulan ng motorsiklo na minamaneho ng isa nitong kasamahan. Patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng krimen.

 

Show comments