Food supply ng NPA nasabat

MANILA, Philippines - Nasabat ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar ang food supply ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) kasunod ng pagkakaaresto sa isa nitong miyembro sa inilatag na checkpoint sa kahabaan ng highway sa Barangay Mahayahay, bayan ng Kitcharao, Agusan del Norte kamakalawa. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, inilatag ang PNP checkpoint matapos na makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na may motorsiklong kargado ng food supply ng mga rebelde. Dito na nasabat ang nagmomotorsiklong ni Nelson Soriaco na sinasabing kasapi ng NPA. Nasamsam kay Soriaco ang isang cal. 357 revolver, subersibong dokumento  at  ilang sako ng food supply ng NPA na dadalhin sana sa kampo ng mga rebelde sa kabundukan.

 

Show comments