Pulis napatay ng kabaro

OLONGAPO CITY, Philippines – Nagwakas ang paglilingkod sa bayan ng 31-anyos na pulis makaraang mabaril at mapatay ng kanyang kabarong pulis sa gate ng Camp Manuel Cabal sa Barangay Barretto, Olongapo City kahapon ng umaga. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Insp. Gil Domingo, hepe ng PNP Station 6, kinilala ang biktima na si PO1 Rogene Abad Estrada ng Olongapo City Public Safety Company at nakatira sa bayan ng San Felipe, Zambales. Samantala, tinutugis naman ang suspek na si PO1 Alexander Sanico Quiming, 37. Lumilitaw na kausap ng suspek ang mga kabarong sina PO2 David Domingo at PO2 Wilmon Bitoon nang biglang hugutin nito ang baril sa baywang. Dito na pumutok ang baril kung saan tinamaan ang biktimang nakatayo sa gate ng nasabing kampo. Nabatid na si PO1 Quiming ay sinuspinde ng dalawang buwan noong Mayo 6, 2013. Narekober naman sa crime scene ang cal. 38 revolver ng suspek.

Show comments