Mag-asawa tiklo sa pot session

BULACAN, Philippines  â€“ Rehas na bakal ang binagsakan ng mag-asawa matapos maaktuhan ng mga operatiba ng pulisya sa pot session sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Lambakin, bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mag-asawang  Ronnie Bulandos, 45, truck driver; at Belen Francisco, 38, kapwa nakatira sa Northville 4, Brgy. Lambakin sa nabanggit na bayan. Base sa ulat ni P/Supt. Gerardo Andaya, nasakote ang mag-asawa matapos ipaabot ng ilang residente ang ginagawang pot session ng mag-asawa sa loob ng bahay kung saan sa harap pa mismo ng kanilang mga anak na menor-de-edad. Narekober ng pulisya ang ilang gramo ng shabu at drug paraphernalias.

 

Show comments