25-anyos utas sa tandem

CAVITE, Philippines – Isa na namang karahasan ang bumalot sa Cavite matapos pagbabarilin at mapatay ang 25-anyos na binata habang malubha naman ang kasamahan nito kahapon ng madaling-araw sa Tanza - Trece Martirez Road, Barangay De Ocampo sa Trece Martirez City, Cavite. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Erick Angelo Arias 25 ng Barangay Punta sa bayan ng Tanza, Cavite habang nakikipaglaban naman kay kamatayan ang kasama nito na si Lichard Kim Pel, 16, estudyante, ng Blk 13 Lot 1 Phase 3 Carissa Homes Subd. Barangay Bagtas. Sa ulat ni PO2 Alvin Marquez, magkaangkas sa motorsiklo ang dalawa nang pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins.

 

Show comments