TUGUEGARAO CITY , Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 15-anyos na binatilyo na hindi nakapag-enroll dahil sa kawalan ng pera na pang-tuition sa kolehiyo matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay San Lorenzo sa bayan San Nicolas, Ilocos Norte kamakalawa. Ayon sa naghihinagpis nitong ina na si Cynthia Gabug; hindi nito inaasahang gagawin ng anak na si Denmark Gabug na kitilin ang sariling buhay dahil lamang sa kabiguan niyang maglagak ng pang tuition fee sa kolehiyo. Nabatid na gumamit ang nakababatang Gabug ng nylon na lubid na siya nitong itinali sa beam ng kisame upang ibigti ang sarili.