Magsasaka pinugutan sa palayan

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Pinaniniwalaang alitan sa lupang sinasaka ang isa sa motibo kaya pinagtataga bago pinugutan ang  isang mgsasaska ng kanyang bayaw sa Barangay Nalasin, bayan ng Solsona, Ilocos Norte kamakalawa.
 Kinilala ni P/Chief Insp. Dexter Corpuz, hepe ng Solsona PNP, ang biktima na si Wilborne Laguste habang sumuko naman ang  suspek na si Rolante Toribio. Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nagkrus ang landas ng magbayaw nang nagkasalubong sila sa gitna ng palayan patungo sa kani-kanilang sakahan.
 Dito na inunahan ng suspek na pagtatagain ang biktima kung saan hindi pa nasiyahan ay tinagpas pa ang ulo. Kaagad namang nagtungo sa himpilan ng pulisya ang suspek para sumuko.

 

Show comments