Social worker na dinukot, laya na
MANILA, Philippines - Pinalaya na ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang dinukot na social worker ng Deparment of Social Welfare and DeveÂlopment (DSWD) noong Huwebes ng gabi sa Barangay Marang, bayan ng Sumisip, Basilan.
Bandang alas-7:30 ng gabi nang pakawalan ang biktimang si Jenely Luna Eprera matapos ang negosasyon ng mga lokal na opisÂyal tulong ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) 104th Base Command.
“The safe release was made possible through the collective negotiation efforts conducted initially by local government officials of Ungkaya Pukan headed by Mayors Joel at Jomar, Sumisip Mayor, Hataman and Mayor Tong Listarul and the MILF 104th Base Command,†pahayag ni Col. Rodrigo Gregorio, tagapagsalita ng AFP Western Mindanao Command.
Ang biktima ay binihag ng mga bandido habang bumibisita sa proyekto ng DSWD sa Barangay Ulitah, bayan ng Ungkaya Pukan noong Martes ng umaga.
Samantala, malaki rin ang naitulong ng military pressure ng 64th Infantry Battalion sa pamumuno ni Lt. Col. Leonardo Dacumos at 18th Infantry Battalion ni Lt. Col. Paulo Perez.
Wala namang kapalit na ransom ang pagpapalaya sa nasabing social worker .
Pansamantalang isinailalim sa kustodya ng Army’s 64th Infantry Battalion ang pinakawalang biktima habang isinailalim sa medical checkup.
- Latest