Mill operator todas sa NPA

MANILA, Philippines - Napaslang ang 23-anyos na mill operator habang dalawa namang security guard ang malubhang nasugatan matapos pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army sa mining corporation sa Barangay Kingking, bayan ng Pantukan, Compostela Valley kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Senior Supt. Camilo Cascolan ang nasawing biktima na si Aso Bore Masayaw ng Malita, Davao del Sur. Ayon sa imbestigasyon, inatake at hinarass ng mga rebelde ang Botsoy 2 Mining Corp. pero nagawang gumanti ng putok ng mga security guard na nagresulta sa 30-minutong bakbakan bago nagsitakas ang mga kalaban. Base sa teorya ng pulisya, pangingikil ng revolutionary tax ang isa sa motibo kaya hinaras ng mga rebelde ang minahan.

 

Show comments