KIDAPAWAN CITY, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa 40-anyos na anak ng brodkaster makaraang makuryente sa harap ng istasÂyon ng radyo sa Kidapawan City, North Cotabato kahapon ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Marlon GonzaÂles, may asawa at anak ni Romulo Gonzales, anchorman ng programang Debate tuwing alas-7 hanggang alas 8 ng umaga sa 90.3 Charm Radio.
Ayon sa ulat ng pulisya, nanunungkit ng mangga ang biktima gamit ang mahabang stainless na bakal sa harap ng himpilan ng radyo nang aksidenteng masagi ang live wire ng Cotabato Electric Cooperative, Inc, (Cotelco).
Dahil sa lakas ng boltahe ng kuryente ay tumilapon ang biktima mula sa kanyang kinatatayuan.
Agad itong naisugod sa pagamutan sa Kidapawan City ngunit di-umabot ng buhay.
Nakahanda namang tumulong pinansyal ang may-ari ng Charm Radio na si ex-Congressman Atty. Gregorioâ€Greg†Andolana sa pamilya ng biktima. Â