Barangay chairman, nilikida

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang isang barangay chairman na nananghalian sa kanyang bahay matapos ratratin ng nakaalitang lalaki sa Barangay West Migpulao, bayan ng Dinas, Zamboanga del Sur kamakalawa. Sa ulat ni P/Chief Inspector Ariel Huesca na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-12 ng tanghali nang pasukin sa bahay at ratratin ang biktimang si Chairman Julian Nacau ng suspek  na si Muamar Fermin. Natukoy naman ang suspek matapos mamataan ng ilang kapitbahay ng biktima habang papalayo mula sa crime scene.

 

Show comments