13 anyos todas sa hit and run

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Nasawi noon din ang isang 13 anyos na dalagita matapos itong ma-hit and run ng isang humahagibis na delivery truck habang naglalakad sa kahabaan ng Maharlika highway, Brgy. Milagrosa, Castilla, Sorsogon kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Vivian De­suasido, residente sa lugar na idineklarang dead-on-arrival sa Vicente Peralta Memorial Hospital. Sa ulat ng pulisya, bandang alas-10:30 ng gabi habang ang biktima ay naglalakad sa tabi ng kalsada ng mahagip ito ng isang delivery truck na hindi nakilala ang driver. Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang biktima habang tumakas naman ang driver na ngayon ay pinaghahanap pa ng mga awtoridad.

 

Show comments