3-anyos napatay ng 10-anyos

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Napatay ang 3-anyos na nene ng kanyang pinsang lalaki matapos tamaan ng bala ang sumpak na pinaglaruan ng huli sa Barangay Loho, bayan ng Lagunoy, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa mukha ang biktimang si Krista Jane Odiamar habang dinala naman sa himpilan ng pulisya ang nakapatay na 10-anyos. Base sa police report, natutulog ang biktima sa kuwarto ng kanyang lolo nang pasukin ng kanyang pinsan. Dito na nakita ng suspek ang sumpak kung saan pinaglaruan subalit nakalabit nito ang gatilyo saka pumutok at sumapol sa mukha ng biktima. Naisugod pa sa Partido District Hospital ang biktima subalit namatay din. Posibleng managot ang may-ari ng sumpak na ama ng biktima.

Show comments