4-anyos lunod sa pool

CAVITE, Philippines - Napaaga ang salubong ni kamatayan sa 4-anyos na lalaki matapos malunod sa swimming pool kung saan ginanap ang high school reunion ng mga magulang ng bata sa bayan ng General Trias sa Cavite kamakalawa ng hapon. Bandang alas-2:30 ng hapon nang matagpuan ang katawan ng biktimang si Mark Dave Potante ng Barangay Buenavista 2 na nasa ilalim ng swimming pool ng La Traviesa Resort. Tinangka pang maisalba ang buhay ng biktima matapos itong isugod sa ospital subalit nabigo ang mga doktor. Nabatid na dumalo sa high school reunion ang mga magulang na ginanap sa nasabing resort kung saan bitbit ang biktima subalit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nasawi sa pagkalunod ang bata.

Show comments