Alcala, Castillo nalo sa Quezon
LUCENA CITY, Quezon, Philippines – Sa pagkakataong ito ay hindi na korte ang nagpasiya, pinagkalooban ng mandato ng 50,794 mga botante sa Lucena City si Mayor RoÂderick Alcala upang manungkulan sa loob ng tatlong taon matapos na manalo sa nakalipas na eleksyon.
Tinalo ni Alcala si ex-Mayor Ramon Talaga Jr. habang nanalo rin ang vice mayoralty bet ng Liberal Pary na si Philip Castillo laban sa anak ni Talaga na si Vice Mayor Ramil.
Sa harap ng nagbubunyi ng mga supporter sa Session Hall ng Sangguniang PangÂlunsod, pormal na iprinoklama ng Board of Canvassers si Alcala bilang nanalong alkalde.
Nagkaroon pa ng tensyon nang pigilang iproklama ng Comelec si Castillo dahil sa kwestiyun ng mga abogado ng kalaban nito at nagsaÂbing dadalhin sa bayan ng Cabuyao, Laguna ang usapin subalit hindi pumayag ang mga supporter ni Castillo.
Gayon pa man, naiproklama rin si Castillo kasama ang sampung konsehal na sina Anacleto Alcala III, Danny Faller, Atty. Sunshine Abcede, Americo Lacerna, William Noche, Felix Avillo, Atty Rey Oliver Alejandrino, Benito Brizuela, at si Vic Paulo.
Noong Nobyembre 2012 ay inatasan ng Korte Suprema si Alcala na okupahin ang puwesto ng alkalde dahil sa may teknikalidad ang pagkakaupo ni Barbara Ruby Talaga na asawa ni Ramon.
Parang tabak naman ni Damocles ang humaplit sa pamilya Talaga dahil lahat ng mga kaanak nila ay pawang natalo sa nakalipas na eleksyon.
Si Romano na anak ni Ramon at Ruby ay natalo ni Sam Nantes sa vice governatorial race habang si Ruby naman ay tinalo ni Vicenre Alcala sa congressional race sa 2nd district.
- Latest