MANILA, Philippines - Patuloy na sumisigaw ng hustisya ang pamilya ng bise alkalde ng Talisay, Batangas na biktima ng ambush slay, mahigit isang taon na ang nakalilipas.
Sa kaniyang pagtungo sa Camp Crame, hiniling ni Bartolome Manimtim, nakatatandang kapatid ng pinatay na si dating Talisay Vice Mayor Florencio Manimtim Jr. na bigyang proteksyon ang kaniyang pamilya kaugnay ng mga natatanggap na pagbabanta sa kanilang buhay.
Umapela rin si Manimtim kay PNP Chief Director GeÂneral Alan Purisima na dakpin sa lalong madaling panahon ang mga nakalalaya pang salarin ng kaniyang kapatid.
Si Manimtim ay pinagbabaril at napatay ng riding-in-tandem sa bisinidad ng Mall of Asia sa Pasay City noong Disyembre 15, 2011.
Matapos ang halos isang taon ng mapatay ang lokal na opisyal, nasakote ang isa sa mga suspek na si Ramon Pantua ng mga operatiba ng PNP Anti-Kidnapping Group at inamin na siya ang triggerman sa pamamaslang.
Samantalang, ibinulgar naman ng isa sa mga suspek sa pamilya ni Manimtim kung sino ang utak sa krimen at sinabing handa siyang tumestigo laban sa mga ito bunsod upang sampahan na nitong Mayo 7 ng kasong murder sa Department of Justice ang mga personalidad na isinangkot sa ambush-slay.
Kabilang sa mga kinasuhan sa DOJ ay sina Gerry de Castro Natanauan, maÂyoralty candidate sa Talisay, Batangas; kapatid nitong si Charlie Natanauan; PO1 Gary Villanueva ng Talisay; Ramon Pantua at Anthony Aquipel. Idinagdag pa nito na ang kaniyang kapatid ay walang kaaway na naging alkalde sa loob ng siyam na taon at siyam na taon ring bise alkalde sa kanilang bayan.