CAGAYAN, Philippines — Mas malaki ang maiaÂambag ng agri-tourism sa ekonomiya ng bansa kapag nabigyan ng pansin at pangaÂngalaga ng pamahalaan.
Ito ang mariing sinabi ni United National Alliance (UNA) senatorial bet Jack Enrile sa kanyang pangangampanya sa 72-lalawigan kung saan namalas ng sariling mga mata ang kamangha-manghang kagandahan ng mga farm site at luntiang farm land na ‘di pahuhuli sa ibang bansa.
Aniya, hindi na bago ang agri-tourism sa bansa kung saan inihalimbawa ay ang pamimitas ng strawberry sa La Trinidad Valley sa Baguio City na maraming kababayan ang nakaranas na.
Nabanggit din ni Enrile ang iba pang mga tourist destination na maaring maging kaakit-akit sa mga turista tulad ng malalawak na clam nurseries sa bayan ng Bolinao, Pangasinan; ang Pearl Farm sa Davao at ang ekta-ektaryang plantasyon ng pinya sa Bukidnon na matatawag naÂting mga wonders of nature.
“Malungkot nga lamang at tila ang potensyal nito ay hindi napapansin ng ating pamahalaan,†dagdag ni Enrile.
Samantala, sinuportahan si Enrile ni Miguela Mena, dean ng University of the Philippines Asian Institute of Tourism (UP-AIT) na nagsabing magandang kumbinasyon ang agrikultura at turismo kapag tiningnan ang maari nitong itulong sa ekonomiya ‘di lamang ng mga lalawigan kundi pati na rin ng bansa.