Misis tinodas ng mister
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Brutal na kamataÂyan ang sinapit ng 25-anyos na misis makaraang gulpihin ay binaril pa ng kanyang mister dahil sa matinding selos kamakalawa ng gabi sa Barangay M.R. Espinosa, bayan ng Milagros, Masbate. Hindi na umabot pa ng buhay sa Masbate Provincial Hospital ang biktimang si Annabel Habahab habang nasakote naman ang suspek na si Domingo Habahab, 43, barangay tanod at kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Nabatid na nakarating ang balita sa suspek na may nanliligaw sa kanyang misis kaya nagtalo ang mag-asawa kung saan pinabulaanan naman ng babae ang akusasyon. Dito na ginulpi ng suspek ang kanyang misis bago binaril. Narinig naman ng ilang kapitbahay ang kaguluhan ng mag-asawa kaya naipaabot kaagad sa pulisya.
- Latest