Chairman sinapak ng lider ng mayor

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng 62-anyos na  lider ng incumbent mayor ng Gamu, Isabela matapos sapakin nito ang barangay chairman na sinasabing namahagi ng bigas mula sa kalabang partido sa Barangay Lenson sa nasabing bayan kamakalawa.
 Kinilala ni P/Supt. Narciso Paragas, Isabela PNP spokesman ang dinakip na suspek na si Gaspar Bumanglag na lider ni Mayor Fernando Cumigad ng Partido Liberal.
 Nag-ugat ang pananapak matapos komprontahin ng suspect si Barangay Chairman Ranie Talosig na inireklamo nitong namamahagi ng bigas sa kanilang lugar mula sa kalabang Nationalista Party na si mayoralty bet Nestor Uy.Si Mayor Cumigad na ikatlong termino sa pagiging alkalde ay tumatakbo sa vice mayoralty race ng kanyang anak na si Board member Mitzi laban kay Uy.

Show comments