Mag-asawang lider ng kandidato, nilikida

QUEZON, Philippines – Napaslang ang mag-asawa na sinasabing lider ng governatorial bet sa ilalim ang Unity Party matapos na pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa bahagi ng Sitio de la Fuente, Barangay Lagalag sa bayan ng Tiaong, Quezon kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Genesis Castillo at Sharon Magtibay, kapwa nakatira sa Campo Subdivision, Barangay Gulang-gulang, Lucena City, Quezon. Sa inisyal na ulat ng pulisya, magkaangkas sa motorsiklo ang mag-asawang paapuwi mula sa pakikipagpulong sa mga local leaders nang pagbabarilin. Nabatid na ang mag-asawa ay lider ni incumbent Governor David Suarez na tumatakbong muli sa governatorial race.

Show comments