^

Probinsiya

Ambush: Mister ng UNA mayoralty bet tumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa-katao kabilang ang mister ng  re-electionist mayor ng United Nationalist Alliance (UNA) ang iniulat na napaslang makaraang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa bayan ng Lemery, Iloilo kahapon ng umaga.

Idineklarang patay sa Sara District Hospital ang mister ni Lemery Mayor Ligaya Apura na si John  Apura, at isang alyas Espaldon na kapwa nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan habang  ginagamot naman ang isa pang kasamahan.

Sa ulat ni P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr. na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-8:30 ng umaga nang tambangan ang biktima ng mga armadong kalalakihan  sa bisinidad ng Barangay Anabo.

Nabatid na pinaglalabanan ang mayoralty race sa bayan ng Lemery nina Ligaya  Apura, Lowel Tuando Arban ng Liberal Party at independent candidate na si Vicente Inion.

Arestado naman sa follow-up operation ang isa sa gunmen na si Mario Cobarrubias ng Dumarao, Capiz na sinasabing wanted sa kasong murder.

 

vuukle comment

AGRIMERO CRUZ JR.

APURA

BARANGAY ANABO

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

LEMERY

LEMERY MAYOR LIGAYA APURA

LIBERAL PARTY

LOWEL TUANDO ARBAN

MARIO COBARRUBIAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with